Ngayon sa kasalukuyang panahon, nasa ilalim ang ating bansa ng kaniyang ika-15 na pangulo na si Benigno Aquino III (ang anak nina Ninoy Aquino at Cory Aquino), at 125 na taon na ang nakalipas simula noong unang iprinoklama ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite. Makikita na ang Pilipino sa panahong ito ay mahihilig sa mga social networking sites katulad ng Twitter, Facebook at Instagram. Sa pamamagitan ng mga sites na ito, nakikipag-ugnayan sila sa mga minamahal nila sa buhay at ipinapahayag nila ang mga karanasan at mga opinyon nila. Sa mga sites na ito, ipinagmamalaki nila ang kanilang dugong Pinoy, ngunit sa totoong buhay, kadalasan ay hindi sila mahilig sa mga bagay na Pinoy: ang mag damit nila, ang pinapakinggan nilang musika, ang mga pelikulang pinapanood nila at ang mag sari-saring produktong binibili nila -- lahat na ito ay banyaga. Marami ring mga OFW na naninirahan sa mga ibang bansa dahil sa tingin nila mas marami ang mga benepisyo roon.