paano na sa mga darating na panahon?
Ito ang prediksyon namin para sa mga Pilipino.
Nakikita namin na ang mga Pilipino sa taong 2038 ay “up to date” na. Makikipagsabayan na tayo sa mga malalaking, progresibong bansa. Higit pa rito, ang mga Pilipino sa makakarating sa panahon na sila'y mayroong bukas na pag-iisip tungkol mga bagay at paniniwala na hindi karaniwan sa Pilipinas. Magiging mas malawak na ang mga isip ng mga tao.
Bukod pa rito, naniniwala kami na ang mga Pilipino sa darating na panahon ay, sa wakas, iiwanan rin ang mga masasamang kaugalian at mentalidad. Mawawala ang “colonial mentality," “crab mentality,” ang pagsasamantala sa kapwa at pagiging mga oportunista. Magbabago ang lahat. Magiging mas mabuti ang mga Pinoy ng 2034, at dahil dito, patuloy na uunlad ang ating inang bayan.