Ang Pilipino noong panahon ng Kastila, lalo na sa taong 1898, ay mailalarawan bilang matapang at makabayan. Ito ay dahil sa panahon na ‘to nagkaroon ng himagsikan laban sa mga Kastila sa pamamagitan ng Katipunan at mga sulatin ng mga akda kagaya ni Jose Rizal. Ngunit, mailalarawan din siya bilang mangmang sa katotohanan. Sa panahon na iyon ang karamihan ng mga Pilipino ay hindi nabigyan ng karapatan na magkaroon ng edukasyon. Dahil dito, maraming Pilipino ay madaling napaglaruan ng mga Kastila at madali silang napapaniwala ng mga ito.