Sa panahon ng Amerikano, na nagsimula noong taong 1899, ang mga Pilipino ay masasabing pinaglaruan ng mga colonyolista. Ito ay dahil sa panahong ito nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga Amerikano at Pilipino, at sa tingin ng mga Pilipino, ang mga dayuhang mananakop ay mga kaigbigan nila. Masasabi rin naman na masyadong mapaniwalain at mangmang ang mga Pilipino dahil napaniwala sila na mas magaling ang lahing Amerikano. Masasabi natin na may mga ilan na lumaban, ngunit mas masasabi natin na dumedepende ang mga Pilipino sa mga dayuhan noong panahon na ito.